Wednesday, November 11, 2015

ILAN PANG DAPAT MALAMAN TUNGKOL SA TWEJIKUM









Ito pa ang ilang karagdagang impormasyun ukol sa DEPARTURE GUARANTEE INSURANCE o TWIJIKUM.




PAANO MAKUKUHA ANG KULANG SA DEPARTURE GUARANTEE INSURANCE AT SA DAPAT NA MATANGGAP NA SEPARATION PAY?



  • Kinakailangang bayaran ng employer ang kulang sa twijikum matapos ibawas ang makukuhang bayad mula sa departure guarantee insurance sa dapat matanggap na twijikum.


  • Nagkukulang ang perang manggagaling sa insurance dahil ang hulog lamang para sa Departure Guarantee Insurance sa isang buwan ay 8.3% ng average na sweldo. Ang twijikum naman ay kinakalkula gamit ang huling 3 buwan na sahod.



    • Para mas malinaw:  Kulang sa Twijikum (Ang manggagaling sa EMPLOYER) = TOTAL COMPUTATION ng Twijikum - bayad mula sa Departure Guarantee Insurance (mas kilala sa SAMSUNG TWIJIKUM)





GUIDE TO BENEFITS - DEPARTURE GUARANTEE INSURANCE (TWIJIKUM - 퇴직금)




MAKUKUHA LANG BA ANG KULANG SA TWIJIKUM KAPAG NAKAUWI NA ANG DAYUHANG MANGGAGAWA?




  • Ang kulang sa Twijikum ay walang kinalaman sa pag-uwi ng dayuhang manggagawa. Sa puntong nagtapos na ang pagtatrabaho nya sa kumpanya, (kung natapos na ang kontrata o kaya ay nagparelease) maari na nyang makuha sa kanyang employer ang kulang sa TWIJIKUM habang sya ay nasa Korea pa.




MGA PARAAN PARA MAKUHA ANG DEPARTURE GUARANTEE INSURANCE (TWEJIKUM) SA AIRPORT



PAANO MALALAMAN KUNG MAGKANO ANG MAKUKUHA SA DEPARTURE GUARANTEE INSURANCE at TWIJIKUM?




  • Kapag tumawag ang employer o ang dayuhang manggagawa sa insurance company para tiyakin ang halaga ng makukuha mula sa departure guarantee insurance, maaari silang mag-isyu ng "RESIBO sa estimasyon ng DEPARTURE GUARANTEE INSURANCE".





 Para sa mas mabilis na transaksyon, tumawag sa Samsung Fire and Marine Insurance Co.


           02-2119-2400 at pindutin ang "5" para sa Pinoy operator



PS: Kung gusto mong matuto mag-invest sa stock market or simply wants to learn how to manage your finances, drop me a message. Email me from the contact form.


PS2: Kung gusto mo ng libro on stock market at guide kung pano mag-invest dito, click mo ang link na ito at magregister: TRULY RICH CLUB


PS3: Gusto mong maprotektahan ang pamilya mo sa hospitalization? watch the video presentation here: http://bit.ly/protect-and-earn


PS4: Kung ikaw ay isang NETWORKER/NETWORK MARKETER, REAL ESTATE AGENT na hirap makabenta o makabuo ng team, click mo ang link na ito para matutunan mo ang tamang paraan para ikaw ay maturuan ng husto: http://bit.ly/learn-study-earn







No comments:

Post a Comment