Wednesday, July 29, 2015

MODIFIED PAG-IBIG 2 (MP2) SAVINGS PROGRAM




Dahil sa naipost ko nung nakaraang linggo tungkol sa PAG-IBIG Program at nabanggit sa comment sa isang group ang tungkol dito sa MP2 Program ay inulan tayo ng tanong kaya minabuting kong magsaliksik tungkol sa programang ito.






Ano nga ba ang MP2 o ang MODIFIED PAG-IBIG 2 (MP2) SAVINGS PROGRAM.



Ang MP2 ay isang boluntaryong programa sa pag-iipon na nagbibigay ng pagkakataon sa lahat ng aktibong miyembro ng PAG-IBIG 1(mandatory) na makapag-ipon ng mas malaki sa loob lamang ng limang (5) taon. Pagkaraan ng limang (5) taon, maaring ipagpatuloy ng miyembro ang kanyang MP2 membership sa loob ng panibagong limang (5) taon.


Sa buwanang hulog na hindi bababa sa Php 500.00, ang ipon sa ilalim ng MP2 ay maaaring lumaki tulad ng sumusunod na halimbawa, kung ang idineklarang dividend rate ng Pag-IBIG Fund ay 4.5% kada taon:
















Tandaan lamang na kinakailangang tuloy-tuloy rin ang pag-iipon sa ilalim ng Pag-IBIG 1 upang makapag-ipon sa MP2.


Tulad ng Pag-IBIG 1, ang ipon sa MP2 ay ginagarantiyahan ng gobyerno ng Pilipinas. Ang dibidendong makukuha sa MP2 ay TAX-FREE.



Para sa iba pang detalye, bisitahin ang www.pagibig.gov.ph o magsadya sa pinakamalapit na tanggapan ng PAG-IBIG Fund. 


Maari ring tumawag sa (632) 840-1793  o  892-4382, o mag-email sa ofwcenter@pagibigfund.gov.ph.






PS: Kung gusto mong matuto mag-invest sa stock market or simply wants to learn how to manage your finances, drop me a message. Email me from the contact form.


PS2: Kung gusto mo ng libro on stock market at guide kung pano mag-invest dito, click mo ang link na ito: TRULY RICH CLUB


PS3: Gusto mong maprotektahan ang pamilya mo sa hospitalization? watch the video presentation here: http://bit.ly/protect-and-earn







No comments:

Post a Comment