Thursday, July 23, 2015

Kookmin Bank – BPI Remittance Services in Korea










Good news Kabayan! Ang Kookmin Bank at BPI ay nag-team up upang ihatid sa inyo ang remittance service na mabilis, sigurado at mura! Narito ang ilan sa mga bagay na inyong dapat malaman tungkol sa KB-BPI Remittance Services…








Advantages ng KB-BPI Remittance Service:



-          Tanggap ang remittance WITHIN HOURS
Maaring matanggap ang inyong padala sa loob lamang ng 3 to 4 hours kung ito ay ipapadala before ng cutoff time na 3PM. After ng cutoff, ang mga padala ay matatanggap kinabukasan ng tanghali, except on holidays and weekends. Kapag nagpadala ng holiday o kaya weekend, ang pera ay matataggap sa susunod na banking day.
               
-          CONVENIENT magpadala sa 9700 ATMs ng Kookmin Bank
Hindi na kailangan pumila pa tuwing ikaw ay magpapadala! Maari nang magpadala gamit ang ATMs ng Kookmin Bank mula 3 AM hanggang 11PM. Tipid na sa oras pati pa sa pamasahe!

-          MABABA ang CHARGES
Dahil sa direct partnership na binuo ng KB at BPI ay diretsong natatanggap ng BPI ang inyong mga padala mula sa Kookmin Bank. Kaya siguradong makakatipid sa bank charges.

-          Enjoy COMPETITIVE EXCHANGE RATES
Hatid ng KB at BPI ang isa sa pinamagandang foreign exchange para sa inyong mga padala. Maaring i-check ang foreign exchange rates ng Kookmin Bank para sa Korean Won to USD sa kanilang website na www.kbstar.com at  ang USD to PHP sa website ng BPI na www.bpiexpressonline.com­­­







Paano mag-avail ng KB-BPI Remittance Service?

1.     Pumunta sa pinakamalapit na Kookmin Bank Branch upang makapagbukas ng KB Welcome Account. Ito po ay isang libreng account with no maintaining balance. Huwag kalimutang magdala ng passport at ­­­­alien card sa inyong pagbisita sa KB Branch. Kayo po ay makakatanggap ng KB Welcome ATM Card at Passbook.

2.     I-designate ang Kookmin Bank bilang inyong ‘Primary FX Sending Bank”.

3.     I-register ang inyong mga beneficiary sa inyong KB Welcome account. Hanggang 5 beneficiaries ang inyong pwedeng iparegister. Ihanda ang mga detalye ng inyong mga beneficiary para sa pagreregister.

4.     Maari ka nang magpadala gamit ang 9700 ATMs ng Kookmin Bank! Piliin lang ang ‘Overseas Remittance’ sa menu at piliin sa listahan ng beneficiary ang inyong nais padalhan. Sumunod na ipasok ang amount ng inyong ipadala sa Pilipinas. Ikaw ay makkakatanggap ng resibo ukol sa transaction mo.

Upang mapadali ang inyong pagbubukas ng account sa Kookmin Bank, maari po ninyong ipakita itong introduction letter na mayroong Korean translation sa staff ng Kookmin Bank:










Narito naman ang sample ng Beneficiary Registration Form para sa pagpaparehistro ng detalye ng inyong beneficiary sa Pilipinas:









Bukod sa KB-BPI Remittances, anong services pa ang kayang ibigay ng BPI?

  • Kung kayo at nagbabalak kumuha ng housing loan o autoloan, maari kayong sumangguni sa BPI Representative upang matulungan kayo sa pagproseso ng inyong loan sa PIlipinas.

  • Maari din kayong magtanong tungkol sa UITF at Mutual Fund Products ng BPI at kung paanong makakapag-avail nito.



  • Maari ding isangguni ang ano mang concern tungkol sa inyong BPI account, tulad ng request for statement, ATM card replacement. Dormant account reactivation, atbp.




­­
Gustong mag-avail, ngunit wala pang BPI Account?

Madali lamang po! Maari ninyong i-refer ang inyong beneficiary sa Pilipinas upang sila ay makapagbukas ng account sa BPI. Kailangan lang po ng BPI ang (1 )contact number at (2) full name ng inyong beneficiary kasama na din po ang (3) inyong buong pangalan.  Sila ay tatawagan ng BPI sa PIlipinas upang mapagbuksan sila ng savings account na walang maintaining balance.

Kung nais mo ng pansariling savings account, mangyaring makipagungnayan sa BPI Representative upang kayo’y matulungan sa inyong pangangailangan. Narito ang kanyang contact details:



ROY DELO C. PEREZ – BPI Representative for South Korea

                                Mobile No.:        010-4883-5767
                                Kakao ID:            rdcperez
                                Facebook:           Roy Perez BPI
                                Email:                    rdcperez@bpi.com.ph




Roy Perez on a seminar with FLAN / photograbbed from www.jackrusl.biz





PS: Kung gusto mong matuto mag-invest sa stock market or simply wants to learn how to manage your finances, drop me a message. Email me from the contact form.


PS2: Kung gusto mo ng libro on stock market at guide kung pano mag-invest dito, click mo ang link na ito: TRULY RICH CLUB


PS3: Gusto mong maprotektahan ang pamilya mo sa hospitalization? watch the video presentation here: http://bit.ly/protect-and-earn









No comments:

Post a Comment